Bibigyan ng pabahay ng National Housing Authority (NHA) ang naulilang pamilya ng namatay na overseas Filipino worker (OFW) na si Jullebee Ranara.
Ayon sa National Housing Authority (NHA) , ito ay tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bigyan ng tulong ang pamilya ni Ranara.
Kasunod nito ay dumalaw si National Housing Authority (NHA) Assistant General Manager Roderick Ibañes sa burol, para tiyakin sa pamilya ang ipagkakaloob na tulong.
Nagpaabot ng pakikiramay ang National Housing Authority (NHA) sa pamilya Ranara.
Sa ngayon, nakaburol pa rin sa Las Piñas ang mga labi ng biktimang OFW at ililibing sa araw ng linggo, Pebrero 5, 2023.
Matatandaan na Si Jullebee Ranara ang OFW na ginahasa, pinaslang, isinunog, at iniwan umano sa disyerto sa Kuwait. Kinikilala umanong suspek ang 17 anyos na anak ng kaniyang amo.