-- Advertisements --

Nilinaw ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi ang inilabas na ouster plot diagram ang sinabi nitonbg “bombshell” laban kay Peter Joemel Advincula alyas “Bikoy” na ilalabas sana sa darating na mga araw kundi ang impormasyong isiniwalat ni Senate President Tito Sotto III nitong Miyerkules.

Sa panayam sa Malacañang, sinabi ni Sec. Panelo na naunahan siya ni Sen. Sotto sa paglalabas ng mga impormasyong mawawasak sa kredibilidad ni Bikoy.

Ayon kay Sec. Panelo, ito rin sana ang kanyang pasasabugin at hinihintay lamang niya ang mga dokumento ng Philippine National Police (PNP).

Magugunitang sa inilabas na impormasyon ni Sen. Sotto, lumalabas na ginagawa na pala ni Bikoy dati pa ang mandadawit sa malalaking personalidad at indibidwal sa operasyon ng iligal na droga.

Malinaw umanong modus na ni Advincula na gumawa ng kuwento at linlangin ang publiko.