-- Advertisements --

Sinasadya lang ni Kris Aquino na maging pribado ang mga paghahanda sa tila nalalapit na pag-iisang dibdib nila ni dating Interior Sec. Mel Sarmiento.

Katunayan ayon sa dating presidential sister, mayroon nang petsa ngunit hindi lang isinasapubliko ang bawat detalye lalo’t nasa adjusment period pa ang 59-year-old “very soon” husband to be niya.

“Actually one has (wedding date), but we’re keeping that for ourselves…” ani Aquino sa kanyang IG post.

Dagdag nito na sobrang simpleng event na ikakagulat ng lahat ang kanyang big day kung saan walang “princess intan” moment, o yaong papel na kanyang ginampanan sa isang Hollywood film.

Ang pag-amin ni Kris na sinimulan na pala ang wedding preparations ay sa gitna rin ng tila namuong girian sa ex-boyfriend niyang si Herbert Bautista na kamakailan lang ay mistulang inuungkat ang kanilang nakaraan.

Kris vs Bistek 3 1

Para kay Kris, nagsalita muli siya dahil apektado na si Sarmiento bagama’t humingi na rin ng sorry ni Bistek.

Una nang umalma ang 50-year-old “Queen of All Media” kung saan pinayuhan nito ang 53-year-old actor politician na ang kasalukuyang girlfriend na lamang ang ikuwento, at huwag ang kanilang naging pinagsamahan para lang makahakot ng atensyon kasabay ng senatorial bid.

Nabatid na mismong si Sarmiento ang pumuna sa mga hugot hashtag ni Bautista kabilang ang #KungMaibabalikKoLang at #TOTGA o the one that got away, na isa aniyang pagiging “ungentleman.”

Sinasabing taong 2014 nang magsimula ang love story nina Bistek at Kris ngunit naging “on-and-off” umano ang kanilang relasyon.