Nagtungo si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa detachment ng Naval Installations and Facilities-Northern Luzon (NIF-NL) sa Casiguran, Aurora .
Layon ng pagbiistnag ito na kalihim na isnpektyunin ang kalagayan ng mga pasilidad sa naturang lugar.
Ang Naval Installations and Facilities-Northern Luzon detachment ay itinayo sa kooperasyon ng Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority.
Ito ay sinasabing magpapalakas sa presensya ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa bisinidad ng Philippine Rise sa Pasipiko.
Alinsunod rin ito sa Comprehensive Archipelagic Defense Concept ng gobyerno.
Ang naturang konsepto ay tinalakay rin ng kalihim kay Director Maria Cristina Suaverdez ng APECO Board of Directors kabilang na ang iba pang opisyal ng aval Installations and Facilities-Northern Luzon.
Sinasabing ang mga hakbang na ito ay layuning masiguro ang kontrol ng Pilipinas sa likas yaman sa Philippine Rise.
Bukod sa nasabing detachment, binisita rin ng kalihim ang Philippine Ports Authority Terminal Management Office sa lugar.