-- Advertisements --

Aabot sa mahigit 6,000 na mga school desks at school supplies ang matagumpay na naihatid ng Naval Forces Western Mindanao sa mga pampublikong paaralan sa Tawi-tawi.

Isinakay ang naturang mga kagamitan para sa mga mag-aaral sa naturang lugar sa BRP Dagupan City sa sa Polloc Port, Parang, Maguindanao.

Inihatid naman ang mga ito sa Naval Station Juan Magluyan, Bato-Bato, Panglima Sugala, Tawi-Tawi.

Nakipag-ugnayan naman ang tropa ng militar sa mga tauhan ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education – BARMM .

Naging katuwang ito ng militar para maihatid ang mga gamit sa mga paaralan sa Languyan, Taganak, Mapun, Panglima Sugala, Batu-Batu, at South Ubian.

Ayon kay Naval Forces Western Mindanao Commander Rear Admiral Donn Anthony L. Miraflor , sila ay patuloy na makikipagtulungan sa iba’t -ibang ahensya ng pamahalaan . .

Ito ay upang maihatid ang ganap na kaunlaran sa mga “Geographically Isolated Disadvantaged Areas of Western Mindanao”.

Batay rin ito sa kautusan ni Western Mindanao Command (WestMinCom) Commander Lt. Gen. William Gonzales.