Ibinunyag naman ng aide ni Russian oppositon leader na si Alexey Navalny na nakatakda sanang mapalaya na ito sa pamamagitan ng prisoners swap.
Pumayag kasi si Putin na mapalaya si Navalny kapalit si Vadim Krasikov, na isang FSB officer na nakakulong sa Berlin, Germany matapos na patayin ang Chechen militant sa Tiergarten Park sa Berlin.
Taong 2019 ng maaresto si Krasikov sa Berlin at ito ay hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong.
Kasamang ipapalit ni Navalny ang dalawang Americans pa na nakakulong sa Russia.
Isasagawa naman sa Biyernes ang public farewell kay Navalny.
Ayon kay spokesperson ni Navalny na si Kira Yarmish, naghahanap na sila ng mas malawak na lugar para doon ganapin ang pagtitipon.
Mula ng pumutok ang balitang pagkasawi ni Navalny ay maraming mga mamamayan ng Russia ang nag-alay ng bulaklak sa rebolto ng mga biktima ng repression.