Ibinunyag ng kampo ng Russian opposition leader Alexey Navalny na mayroon silang nakitang traces ng lason mula a bottled water na galing sa hotel na kanilang tinuluyan sa Siberia.
Bagamat hindi sinasabing ito ang pangunahing pinagmulan ng pagkakalason kay Navalny ay hindi nila inaalis ang posibilidad na inilagay ang lason sa iba’t-ibang bagay.
Sinabi ni Georgy Alburov, na nagtatrabaho sa Navalny’s Anti-Corruption Foundation, na maaaring nainom ng biktima ang nasabing lason.
Naniniwala sila sa naging pahayag ng mga eksperto na mayroong traces ng lason doon.
Magugunitang nagkasakit si Navalny noong Agosto 20 mula sa flight nito sa Tomsk patungong Moscow.
Dahil sa pangyayari ay dinala ito sa Germany para doon magpagaling kung saan lumabas na nakainom ito ng lason at ang pinagbibintangan ay si Russian President Vladimir Putin na mariing itinanggi nito ang alegasyon.