-- Advertisements --
Direktang inakusahan ni Russian opposition activist Alexei Navalny si President Vladimir Putin na siyang nasa likod sa paglason sa kaniya.
Sinabi nito na hindi na dapat pagtakahan pa dahil sa palagiang pagbatikos nito Kasalukuyang nasa Germany pa rin si Navalny dahil ito ay nagpapagaling.
Magugunitang lumabas sa pagsisiyasat ng mga doctor sa Germany na ginamit ang Novichok nerve agent si Navalny na inilagay sa tsaa na ininom nito habang nasa loob ng eroplano.
Mariing itinanggi naman ng kampo ni Russian President Putin ang nasabing alegasyon.