-- Advertisements --

Nagkasa ng Navigation at Jungle Survival Operations ang mga tauhan ng Philippine Marine Corps at United States Marine Corps sa ikalimang araw ng Marine Exercises 2024 sa Maguindanao del Norte.

Target nito na hasain pa ang kakayahan ng mga kalahok sa naturang pagsasanay pagdating sa land navigation at Jungle warfare.

Dito ay ipinamalas ng mag kabilang puwersa ang kanilang adaptability at kahandaan sa pagharap sa iba’t-ibang mga banta.

Sa pamamagitan ng Jungle-Environment Survival at Land Navigation training ay mabibigyan ang mga sundalong kalahok sa naturang pagsasanay ng expertise sa pag-navigate, basic patrolling, jungle survival strategies, at ib pa na talagang mahalagang Para sa ikatatagumpay ng kanilang misyon.

Ang MAREX24 ay isang testamento ng hindi matatawarang commitment ng Philippine Marine Corps at United States Marine Corps pagdating sa kahandaan at interoperability ng dalawang hukbo.