Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ayusin na ang nasirang navigational gate sa Navotas.
Ito kasi ang dahilan na ilang linggo ng dumaranas ng kalbaryo ang mga taga Navotas at Malabon dahil sa tubig baha.
Sa situation briefing, sinabi ng Chief Executive na Isang emergency measure ang mabigyan ng remedyo sa nawasak na gate gayung walang humaharang sa pasok ng tubig sa nabanggit na dalawang area ng CAMANAVA.
Ayon sa Pangulo, dapat na aniyang kumonsulta ukol dito ang mga engineers kahit pansamantalang remedyo lang muna at balikan na lang gawin ang nawasak na gate kapag tuluyan ng gumanda ang panahon.
Sinabi ng Pangulo na kahit nagkaruon na ng pagtigil sa mga pag- ulan ay tila hindi pa din nababawasan Kasi ang baha sa Malabon at Navotas at itoy dahil na din sa nawasak na navigational gate.
Kaya ang direktiba ng Presidente, gawin ang lahat para maayos agad ang gate na nagsisilbing pangharang sa baha at makabawas sa pahirap ng dalawang lunsod ng CAMANAVA.