-- Advertisements --
comelec

Nagsampa ng kaso ang Navotas City Commission on Elections laban sa isang suspek na umano’y nangangasiwa sa vote buying sa Barangay Longos, Malabon City noong huwebes.

Ayon sa inilabas na pahayag ng Department of Justice, nahuli ang suspek na namamahagi ng mga puting sobre na naglalaman ng P300 sa mga dumalo sa isang umano’y watchers’ meeting noong Miyerkules.

Nadiskubre rin sa pinangyarihan ang mga photocopy ng ID mula sa mga residente ng Barangay Longos, Malabon City, ang mga dokumentong naglalaman ng impormasyon ng mga botante, at poster ng isang kandidato sa pagka-kapitan.

Pinatunayan ng mga pahayag mula sa 198 mga saksi ang reklamo ng Navotas COMELEC.

Pinili naman ng suspek na huwag magsagawa ng waiver at nagpahayag ng layunin na isumite ang reklamo para sa agarang resolusyon, kung saan naglabas ang Navotas City Prosecutor’s Office ng resolusyon na naghahanap ng probable cause upang sampahan ang paglabag sa vote buying and vote selling sa Omnibus Election Code.