-- Advertisements --

Ikinatuwa ng Navotas City government ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa kada araw.

Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco na mula sa dating 36.95% ay naging 13.30% na lamang ito noong nakaraang nakaraang mga araw.

Isa sa naging susi umano nito ay ang patuloy na vaccination program ng lungsod.

Base kasi sa listahan ng OCTA Research ay mayroong -67% ang growth rate.

Ipinagmalaki rin ng alkalde ang malaking bilang ng mga gumagaling matapos na dapuan ng COVID-19.

Sa pinakahuling bilang ay mayroong 17,032 ang kaso kung saan 940 ang aktibo at 513 ang kabuuang nasawi.