Sinimulan na ng lungsod ng Navotas ang pagbuo ng masterlists para sa mga mabibigyan ng COVID-19 vaccines.
Ayon sa Navotas city government na bukas na magpalista ang mga mamamayan nila at maging ang hindi residente basta nagtatrabaho sa kanilang lungsod.
Mayroong QR code na ido-download ang mga nais na magpalista kung saan ang form ay kanilang isusumite nila sa Department of Health.
Itinakda ngayong araw ang deadlines ng mga pagsusumite ng QR Codes ng mga frontliners na residente at di-residente na nagtatrabaho sa Navotas City.
Nauna rito naglaan ang lungsod ng P20 million na pondo para sa pagbili ng bakuna.
Prioridad nilang bibilihin ay ang bakuna na gawa ng Pfizer at Moderna.
Aabot na kasi sa 5,545 ang kabuuang kaso ng COVID-19 ang naitala sa nasabing lungsod kung saan 64 na lamang ang aktibo at 173 naman ang nasawi.