-- Advertisements --
Pinalawig ng Navotas City government ang deadline ng renewal ng business permits at licenses.
Sa pinirmahang ordinansa ni Mayor Toby Tiangco na ginawang sa Pebrero 15 ito imbes na sa Enero 31.
Isinagawa ang ang extension para mabigyan ng panahon ang mga tax payers na ayusin ang mga papeles lalo na at nasa alert level 2 na ang Metro Manila.
Noong una kasi ay nasa 60 percent lamang ang nakapagrenews ng kanilang business permit kaya umaasa ang LGU Navotas na sa bagong extension ay madagdagan pa ang bilang ng mga magrerenew.