-- Advertisements --
Sinimulan na ng lungsod ng Navotas ang pag-implementa ng mandatory na paggamit ng quarantine wristbands para mamonitor ang mga nasa lockdown areas kabilang ang mga nasa COVID-19 patients na nasa home quarantine.
Nakasaad kasi sa ordinansa ng lungsod ang paggamit ng quarantine band system.
Lahat aniya ng mga nasa lockdown ay dapat isuot para agad na mabantayan ang mga nadadapuan ng COVID-19.
Sa nasabing paggamit din ay makikita ang lokasyon ganun ang lagay ng kalusugan ng isang indibidwal.
Hanggang tatlong beses naman na imomonitor din ng Local Disaster Risk Reduction Office ang nasabing mga Navo-Q bands.
Mayroon ding nakalaan na mga multa ang bawat indibidwal na magtatanggal ng kanilang mga Navo-Q band.