-- Advertisements --
NAVOTAS FIRE
Navotas City big fire (video grab from Navotas FB)

(Update) Nanawagan na rin nang tulong ang lokal na pamahalaan ng Navotas City para sa mga biktima ng malaking sunog na nangyari kaninang madaling araw.

Una rito, isa ang naiulat na nasawi at umaabot sa humigit-kumulang 783 na pamilya ang nawalan ng tahanan.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, nagbigay na rin ng inisyal na tulong ang kanilang pamahalaang lungsod lalo na sa “pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, relief goods, gamit pantulog, hygiene kit at pansamantalang matutuluyan.”

Pero umaapela ang alkalde nang karagdagang suporta para sa mga biktima ng kalamidad.

“Sa pagpapaabot po natin ng pakikiramay at pakikidalamhati sa mga nakaligtas, nawa’y magbigay din tayo ng tulong at suporta sa kanila. Karangalan po ng pamahalaang lungsod na maging instrumento ng pagpapaabot ng inyong donasyon. Maaari ninyo po itong dalhin sa City Hall lobby,” ani Mayor Tiangco sa kanyang statement. “Ipanalangin po natin ang mga pamilyang naapektuhan. Siguruhin din po natin na ligtas ang ating mga tahanan at establisyimento mula sa sunog.”