Naglagay ng help desk ang Navotas City Government sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) para matulungan ang mga ito na makakuha ng kanilang vaccination certificate.
Sinabi ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na simula ngayong araw ay magsisimula ang kanilang pagtulong.
Malaking tulong ito sa mga OFW na walang access sa internet o gadget.
Paglilinaw naman ng alkalde na tanging mga OFW na taga Navotas o may biyaheng palabas ng bansa ang magiging prioridad nila.
Dalhin lamang ang dalawang government issued ID at NavoBakuna vaccination card.
Magugunitang marami ang pumilang OFW sa Bureau of Quarantine para makakuha ng vaccination certificate matapos na may ilang bansa ang hindi kinikilala ang mga vaccinaton card na iniisyu ng mga iba’t-ibang local government units.