-- Advertisements --

Siniguro ng Navotas City Police ang patuloy na pagbibigay ng seguridad sa pamilya ng napaslang na si Jemboy Baltazar noong nakaraang taon.

Sa isang pahayag, sinabi ni Navotas City Police Station Chief PCol Mario Cortes, batid niya ang pangamba ng pamilya ni Jemboy dahil sa naging desisyon sa kaso pagkamatay ni Jemboy.

Kaugnay nito, ipinag-utos na niya sa Substation 4 personnel sa pangunguna ni PCpt. Ivan Rinquejo na gumawa ng hakbang para matiyak ang kaligtasan ng pamilya ng biktima.

Handa ring magbantay ang kanilang mga tauhan 24/7.

Nakikiisa naman ang buong Navotas City Police sa nakamit na hustisya ng pamilya ni Jemboy na iginawad ng hukuman.

Kung maaalala, tiniyak ng DOJ na kanilang iaapela sa korte ang naging desisyon laban sa mga pulis na sangkot sa pagkamatay ni Jemboy Baltazar.