-- Advertisements --

Dinepensahan ni Philippine Navy Flag Officer-in-Command (FOIC) Vice Admiral Robert Empredad na manatili o nakatali lang sa mga pier ang mga barko ng Philippine Navy kaya kaniyang pinapayagan ang pagbiyahe ng mga ito sa ibang bansa at lumahok sa mga international maritime events.

Tiniyak ni Empedrad na hindi nasasakripisyo ang kanilang trabaho lalo na sa pagbabantay sa teritoryo ng bansa sa mga ginagawang pag biyahe ng mga barko sa ibang bansa.

Nitong nakalipas na mga linggo kasi ay bumiyahe sa bansang Russia ang BRP Tarlac pero nag-bogged down ang isa sa mga engines ng barko ngunit naayos agad matapos tumulong ang Russia na makakuha ng spare parts.

Giit ni Empedrad, mandato ng Philippine Navy ay protektahan ang karagatang sakop ng bansa kaya kinakailangan aniyang laging bumibiyahe ang kanilang mga barko para sa pagpapatrol at pagsasanay.

Sa ngayon, ayon pa kay Empedrad, mayroong pitong barko ang Philippine Navy na may kakayahang bumyahe patungong China, Russia, Hawaii kapag naimbitahan.