-- Advertisements --

Sinibak na sa kaniyang puwesto ang commander ng US aircraft carrier na Theodore Roosevelt matapos ang paglabas nito ng alerto na may mga nadapuan ng coronavirus sa nasabing barko.

Sinabi ni acting Navy Secretary Thomas Modly na tinanggal na si Capt. Brett Crozier.

Paglilinaw nito na hindi tinanggal si Crozier dahil sa leaked memo sa mga press at sa halip ay hindi nito nakayanan ang hamon sa nangyaring coronavirus breakout sa barko.

Dagdag pa nito na kaya tinanggal si Crozier dahil sa lumabag ito sa chain of command at inilabas ang memo sa unsecured system na maaaring mag-leaked.