-- Advertisements --
navy1

Lalahok sa ASEAN Defense Ministers’ Meeting – Plus(ADMM-Plus) Maritime Security Field Training Exercise 2019 ang Frigate ng Philippine Navy ang BRP Andres Bonifacio.
Kahapon, dumating sa Busan Naval Base Pier sa South Korea ang ang BRP Andres Bonifacio.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Capt. Jonathan Zata, ito ang ikalawang pagkakataon na may barko ang Pilipinas na nagtungo sa South Korea.
Ang kauna-unahan ay ang historic visit nuong October 2018 sa Jeju Island.
Ang naval contingent ay pinangunahan ni Captain Roy vincent Trinidad ang Commander ng Naval Task Group 80.6.
Sa welcome remarks ni Trinidad, kaniyang sinabi na ang partisipasyon ng Philippine Navy sa ASEAN Defense Ministers Meeting-initiated exercise ay patunay lamang sa commitment ng Philippine Navy para magkaroon ng magandang koordinasyon sa iba pang ASEAN countries at partner navies para magkaroon ng isang multilateral environment.
Habang si Capt Jerry Garrido naman ang siyang commanding officer ng BRP Andres Bonifacio.
Ayon pa lay Garrido na excited siya sa kanilang partisipasyon sa naval exercise kasama ang iba pang ASEAN navies.
Naniniwala si Garrido na malaki ang maitutulong ang nasabing exercise para mapalakas pa ang kanilang skills.