-- Advertisements --

pnavy1

Muling nag-deploy ng mga kanilang mga tauhan ang Philippine Navy (PN) sa mga lugar na isinalilalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) para magmando sa mga quarantine checkpoints.


Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Lt Commander Maria Christina Roxas, kahapon sinimulang ideploy sa ibat-ibang quarantine checkpoints ang mga navy personnel.

Ito ay para tulungan ang ibang law enforcement agencies sa muling pagpapatupad ng mahigpit na quarantine guidelines upang maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na virus ang COVID-19.

Siniguro din ni Roxas, nagpapatuloy pa rin ang kanilang misyon, sa kabila ng kanilang effort para tumulong sa pagtugon sa kinakaharap na problema ng bansa ang Covid-19 pandemic.

pnavy2

Binigyang-diin ni Roxas na sa muling pagpapatupad ng MECQ sa National Capital Region at mga karatig lalawigan ay mas doble rin ang gagawin nilang effort para makatulong sa gobyerno para labanan ang pandemya.

Giit ni Roxas kahit nasa GCQ nuon ang NCR at iba pang lugar sa bansa hindi tumitigil ang Philippine Navy sa kanilang trabaho ang regular na pagpapatrulya sa lahat ng mga sea entry points, deployment ng mga tropa, pagmando sa mga airports at mga swabbing facilities at iba pang mga quarantined controlled-areas.