Binigyan ng parangal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nasa 80 sundalo na bahagi ng rotation and resupply mission nuong June 17, 2024 sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ang sugatang navy personnel na si Seaman First Class Jeffrey Facundo ay ginawaran ng Order of Lapu-Lapu Rank of Kampilan.
Si Facundo ay seryosong nasugatan na naputulan ng daliri matapos ang intensiyonal na high-speed ramming ng China Coast Guard sa barko ng Pilipinas habang nagsasagawa ang mga ito ng rotation and reprovisioning (RORE) mission BRP Sierra Madre at Ayungin Shoal sa West Philippine Sea nuong June 17,2024
Personal na naranasan ng mga sundalo ang agresibong aksiyon ng China Coast Guard na nagdulot ng pagkasira ng barko, kagamitan at pagkasugat ng isang sundalo.
Sa talumpati ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaniyang sinabi na sa paggawad ng mga medalya sa mga sundalo, naaalala natin na nuong June 17,2024, gumawa ang pamahalaan ng isang “concious at deliberate choice” na manatili sa landas ng kapayapaan.
Siniguro naman ng Pangulo, na patuloy na magbibigay ng tulong ang gobyerno ng tulong sa mga pamilya ng mga nasabing sundalo.