-- Advertisements --

Nagsagawa ng passing exercise ang itinuturing na pinakamalakas na barko ng Philippine Navy na BRP Conrado Yap (PS39) kasama ang dalawang barko mula sa South Korea sa karagatan ng bansa nitong araw ng Martes.

Kasabay nito, nag-donate rin ang South Korea ng 10,000 pirasong face masks at 2,000 pirasong hand sanitizers sa PS39 sa pamamagitan ng inflatable boats.

Ito’y bilang pagkilala ng South Korea sa Pilipinas bilang kauna-unahang bansa sa Asya na nagpadala ng tropa sa panahon ng Korean War noong 1950.

Sinundan ito ng tactical maneuvers ng tatlong barko na nagtapos sa isang farewell sail.

Karaniwang ginagawa ang passing exercise upang matiyak na may komunikasyon at kooperasyon sa isa’t isa ang mga barko at eroplano at bilang paggalang sa dumaraang foreign naval vessels.