Nakaalis na sa Cebu City ang barko ng Philippine Navy na BRP Pangasinan upang maghatid ng relief goods sa Legaspi City at iba pang lugar sa Bicol region na sinalanta ng bagyong Rolly.
Isang send-off ceremony ang isinagawa sa pangunguna nina Naval Forces Central deputy commander, Navy Captain Emmanuel Eugenio Bello at PRO-7 regional director, B/ Gen. Albert Ignatius Ferro.
Sakay ng barko ang 87 sako ng assorted goods, 80 butane gas stove at 500 sako ng rice na nakalap mula sa mga donasyon.
Nabatid na pansamantalang sumilong ang barko ng Philippine Navy sa Cebu sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Rolly.
Kasalukuyang ginagamit ang lahat ng available assets ng Philippine Navy para sa relief at rehabilitation efforts sa mga lugar sinalanta ng bagyo.
Ayon kay Philippine Navy spokesperson Lt. Comdr. Maria Christina Roxas ang nasabing relief initiatives ay mula sa Police Regional Office-7 sa pakikipagtulungan ng Central Command ng AFP.