Pasado sa isinagawang sea acceptance trials ang pangalawang frigate ng Philippine Navy, matapos ang isinagawang series of warfare capability demonstrations nuong December 14-18,2020 sa karagatan ng Ulsan, South Korea.
Ayon kay Rear Admiral Alberto Carlos, head ng Navy’s Technical Inspection and Acceptance Committee (TIAC), compliant ang FF151 batay sa mga agreed technical specifications, matapos nitong tunghayan ng personal ang performance ng warship sa isinagawang sea trials.
Sinabi ni Carlos, 95% completed na ang FF151, lahat ng mga machineries at combat system nito ang subjected ngayon sa test procedures batay sa napagkasunduan sa kontrata.
“Im happy to announce that FF151 passed the prescribed standards and procedures,” wika ni Rear Admiral Carlos.
Dagdag pa ni Carlos, ” Upon the completion of this week’s SAT, the completions rating is almost 100%, which will pave the way for FF151’s re-docking and final outfitting prior for delivery early next year.”
Ang FF151 ay gawa ng Hyundai Heavy Industries (HHI) sa South Korea na nakatakdang ideliver sa buwan ng Pebrero 2021.
” FF151 is a modern naval warship capable of surface, sub-surface, air, and electronic warfare using the state-of-the-art electronic sencors, long range missiles, accoustic guided torpedoes and an embarked anti-submarine helicopter,” wika ni Carlos.
Una ng naideliver sa bansa ang kauna-unahang warship ng Philippine Navy ang BRP Jose Rizal (FF150) na pormal na na commissioned sa service nuong July 10,2020.
Lubos naman ang pasasalamat ng HHI project manager na si Mr BK Kang sa pagpayag ng Navy TIAC na bumiyahe sa South Korea para sa gagawing required predelivery test sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Sumunod sina Carlos at grupo nito sa mahigpit na ROK Covid-19 protocol kung saan sumailalim ang mga ito sa tatlong RT-PCR tests sa loob ng pitong araw at naka quarantin ng limang araw.
Ang Phil Navy TIAC ay pinamumuan ni Rear Admiral Carlos at ang mga miyembro nito ay sina Capt. Raul Regis, Commander Hazel Sastrillo, Commander Roderick Gemino, Lt. Commander Rommel Guillermo, Lt Commander Eric Aquino at Lt. Commander Eric Iglesia.