Pinangunahan ni Navy Flag-officer in command Vice Admiral Giovanni Bacordo ang send-off ceremony sa Naval Task Group 80.5 sakay sa bagong commissioned na BRP Jose Rizal ang brandnew frigate kasama ang naval helicopter ang AW 109 na lalahok sa Rim of the Pacipic (RIMPAC 2020).
Ginanap ang send-off ceremony kaninang umaga sa Alava wharf, Subic Bay Freeport Zone , Olongapo City.
Ayon kay Phil Navy Spokesperson LCdr. Maria Christina Roxas, masusubukan ang kakayahan ng frigate, sa paglahok nito sa isang buwang Rim of the Pacific Exercises (RIMPAC) 2020 na gaganapin sa Hawaii sa buwan ng Agosto na iho-host ng US Navy.
Sa pamamagitan aniya ng nasabing joint military exercises, masusubukan ang kapabilidad ng barkong pandigma.
Inanunsiyo ng US Navy na magsisimula ang RIMPAC 2020 sa August 17 hanggang August 30.
Dahil sa Covid-19 pandemic lahat ng mga exercises ay gagawin lamang sa karagatan.
Nasa 25 bansa ang inimbitahan para sumali sa RIMPAC 2020.