ROXAS CITY – Suportado ng gobyerno ang pangangailangan ng mga residente sa Canada habang nasa lockdown pa ang bansa dahil sa epekto ng coronavirus disease (COVID-19).
Sa report ni Bombo international correspondent Lazaro Buboy Basinang, tubong President Roxas, Capiz at 20 taong nagtatrabaho sa Canada bilang maintenance manager, sinabi nito na nagbibigay ng income support ang gobyerno sa mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19
Kailangan lamang nilang mag-apply sa Canada Emergency Response Benefit (CERB) at makakatanggap sila ng 2,000 Canadian dollars buwan buwan.
Libre rin ang hospitalization sa Canada kabilang ang dental at laboratory test.
Mahigpit rin ang ipinatutupad na physical distancing at mandatory ang paggamit ng facemask lalo na paglumabas ng bahay.
Pansamantala rin na sinuspinde ang social gathering o pagtitipon tipon, kahit na ang pag-camping na nakagawian ng mga taga-Canada lalo na at springtime sa ngayon sa bansa.
Nabatid pa na sarado rin ang mga coffee shops at bangko at pawang delivery o take out orders lamang kung bibili ng pagkain.