-- Advertisements --

Bumaba ng halos 30 porsyento ang employment rate sa sektor ng turismo sa Pilipinas noong nakalipas na taon.

Mula sa 5.1 million tourism jobs nong 2020, bumaba ito ng 28.4% mas malaki ito kumpara sa 8% na pagbaba sa ibang sektor.

Isa ito sa itinuturing na pinakamataas na porsyento ng mga manggagawa sa turismo na nawalan ng trabaho sa buong Asian countries at pinakamatinding naapektuhang sektor bunsod ng ipinatupad na restrictions dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa latest report ng International Labor Organization (ILO), nasa 1.6 million tourism related jobs ang nawala sa nakalipas na taon sa limang bansa.

Malaking porsyento ng nawalan na tranaho sa turismo sa bansa ang mga manggagawang kababaihan partikular sa food and beverages services.

Higit na naapektuhan na nakapagtala ng malaking unemployment rate sa sektor ng turismo ang bansa Brunei, pumapangalawa ang Pilipinas, sinundadn ng Mongolia, Thailand at Vietnam.

Ang employment sa sektor ng turismo sa Pilipinas ay nagko-contribute ng halos 12% ng kabuuang employment sa bansa.