Matapos ang mahigit isang buwang paghahanap, kinumpirma ng Isabela Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na ang nawawalang Cessna plane sa Isabela ay natagpuan na ngayong araw, March 09.
Ang Cessna 206 plane na patungong Maconacon ay iniulat na nawawala isang oras pagkatapos umalis sa Cauyan Domestic Airport noong January 24, 2023.
Ang six-seater plane na may tail number na RPC-1174 ay lalapag sana ng 3PM noong January 24 gayunpaman ay hindi nakarating sa destinasyon.
Ayon sa ulat, nakita ng isang saksi ang aircraft na umiikot pababa sa kabundukan ng sierra Madre.
Matatandaan na ang sasakyang panghimpapawid ay may anim na pasahero ang sakay kabilang na ang piloto.
Patuloy naman ang pakikipag ugnayan ng Civil Aviation Authority of The Philippines
sa Philippine Aeronautical Rescue Coordinating Center (PARCC) ang iba pang detalye ng nasabing aircraft.