-- Advertisements --

LEGAZPI CITY –Nahanap na ang nawawalang Cessna 340A private plane, makalipas ang mahigit isang araw na paghahanap mula ng mawala ito.

Sa inilabas na pahayag ni Mayor Caloy, namataan ang wreckage nito sa itaas na bahagi ng Brgy. Quirangay, partikular na sa Anoling gully, nasa humigit-kumulang dalawang kilometro lamang ang layo sa Incident Command Post (ICP) ng Forest Rangers at may layong 350 meters mula sa bunganga o crater ng bulkang Mayon.

Bigo ang rescue team na makarating sa nasabing lokasyon, at dahil sa madilim na ang kalangitan pansamantala na munang ipinag-utos na i-pull-out ang operasyon kabilang na ang 78 mga rescuers na umakyat sa bulkan.

Sa kabuuan ay umabot sa 142 mga tauhan mula iba’t-ibang ahensya ang nagtutulangan kabilang na ang grupo nga Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO), Philippine National Police, Local Disaster Risk Reduction and Management Offices, Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Bureau of Fire Protection at iba pa.

Samantala, sa ngayon ay wala pang impormasyon sa kalagayan ng apat na sakay ng Cessna plan na sila Capt. Rufino James Crisostomo Jr., crew na si Joel Martin at ng dalawang austrailian national na sila Simon Chifferfiled at Karthi Santanan.

Kaugnay nito, nagpulong ang team sa isasagawang search and rescue/retrieval operations sa mga pinaghahanap.

“Tuloy po ang search and rescue operations. Hindi tayo susuko kasi buhay ng tao ang concerned dito,” ani Mayor Baldo