Inilagay ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang nawawalang Cessna airplane sa “Distress Phase,” kasunod ng pagkawala nito matapos mag-take-off mula sa Cauayan Domestic Airport sa lalawigan ng Isabela.
Ang isang Distress Phase, ayon sa mga regulasyon sa aviation ay tumutukoy sa isang sitwasyon kung saan may makatwirang katiyakan na ang isang sasakyang panghimpapawid at ang mga sakay nito ay nanganganib at nangangailangan ng agarang tulong.
Batay sa ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP, nakatanggap ng “uncertainty phase” alert ang operations center nito mula sa Cauayan Tower alas-3:00 ng hapon noong Martes matapos matuklasan na hindi lumapag ang eroplano sa destinasyon nito.
Pagkatapos ay nagpatuloy ang aviation na itaas ang “Alert Phase” para sa eroplano bago ito itinaas sa Distress Phase.
Samantala, kinilala ang anim na sakay ng Cessna RPC 1174 na si pilot Captain Eleazar Mark Joven, at mga pasahero na sina Tommy Manday, Val Kamatoy, Mark Eiron Siguerra, Xam Siguerra, and Josefa Perla España.
Dagdag dito, ang mga naunang ulat ay nagpahiwatig na ang Cessna plane, na may tail number na RPC 1174, ay lumipad alas-2:00 at dadating sana sa Maconacon, Isabela, alas-3 ng hapon.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa din ang search and rescue operation ng mga awtoridad sa naturang insidente.