GENERAL SANTOS CITY – Labis ang pagpasalamat sa Department of Public Works and Highways matapos naibalik sa kanilag tanggapan ang nawawalang drone.
Ito ay matapos mapost sa facebook page ng Bombo Radyo ang pagkakita ng isang drone nagdaang araw.
Kaninang umaga pinakita ni Engr. Lacan Tupasi ng DPWH ang kopya ng blotter at mga dokomento sa pagmay-ari ng nawawalang drone.
Dagdag ni Engr Tupasi na nagsagawa ng survey nuong Mayo 21 sa mga binaha na lugar subalit aksidenteng nawala sa kanilang kontrol ang drone.
Ayon pa nito na kanilang paghati-hati-an ang P100,000 kung hinde makita ang nasabing ekipo. Ganito din daw ang nangyari sa drone ng DPWH Sultan Kudarat na na missing.
Naibalik ang drone sa DPWH sa pamamagitan ni Rey Galosin residente ng Barangay Balu-an nitong lungsod na unang nagpaabut ng impormasyon sa Bombo Radyo na nakapulot ito ng drone.
Dahil sa kabutihan ni Galosin binigyan siya ng cash incentive ng barangay.