Inamin ng China na kanilang ikinulong ang empleyado ng British consulate in Hong Kong.
Ayon sa foreign ministry ng China, naka-administrative detention ng 15-araw si Simon Cheng, 28-anyos at nagtatrabaho bilang trade and investment officer ng British Consulate General sa Hong Kong.
Paglilinaw ni China Ministry of Foreign Affiars spokesman Geng Shuang na si Cheng ay Hong Kong citizen at hindi United Kingdom citizen.
Idinepensa nito ang pagkustodiya kay Cheng at sinabing ito ay isang internal Chinese affair.
Ikinulong si Cheng sa Shenzhen police dahil sa paglabag sa Security Administration Punishment Law.
Ayon naman sa kasintahan ni Cheng na si Annie LI, noong Agosto 8 ng dumating ang sinakyang train ni Cheng sa border ng Shenzhen ay doon na siya inaresto.
Isinagawa ang pag-aresto kay Cheng sa kasagsagan ng kilos protesta na nagaganpa sa Hong Kong.