-- Advertisements --

Natagpuan ng US military ang debris ng nawawalang F-35 military jet.

Ang $80-milyon na halaga ng fighter jet ay naiulat na nawawala sa South Carolina nitong Linggo.

Nakapag-eject ang nasabing piloto nito at dinala na siya sa pagamutan.

Una ng nanawagan ang US military sa publiko na tulungan silang mahanap ang nasabing eroplano.

Nakita ang nasabing debris malapit sa Joint Base Charleston.

Unang itinutok ng mga otoridad ang paghahanap sa Lake Moultrie at Lake Marion na malapit sa Charleston City.

Nagsasagawa na ang mga otoridad sa dahilan ng pagbagsak ng nasabing eroplano.