-- Advertisements --
image 70

Narekober na ang nawawalang katawan ng chieftain ng Malaynon Ati Tribe Association na si Ernesto Coching matapos itong maiulat na nawawala tatlong araw na ang nakalilipas.

Natagpuan ang katawan sa bandang parte ng Malay, Aklan malapit sa Sitio Airport sa Barangay Caticlan.

Kung matatandaan, nawala si Coching matapos bumangga ng sinasakyang bangga sa isang speedboat sa Boracay.

Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) kasama ang local at foreign divers ang nanguna sa search operations.

“Tayo po ay lubos na nakikiramay sa pamilya Coching”, ayon kay DILG Secretary Benjamin Abalos Jr.

Samantalang ang kasama naman ni Coching na si Ricky Valencia ay nakalabas na ng ospital.

Kasalukuyang isinampa naman ang kaso laban sa kapitan ng speedboat.