-- Advertisements --

LAOAG CITY – Pahirapan ang pag-ahon ng mga kasapi ng Bureau of Fire Protection sa bayan ng Bacarra sa bangkay ng isang lalaki mula sa malalim na balon sa Barangay Pasiocan.

Nakilala ito na si Israeli Bugaoisan, 38-anyos at residente sa naturang barangay.

Dahil sa lalim ng balon ay linagyan pa nila ng tubig para lumutang ang biktima at gumamit ng lubid at kumot hanggang sa maiahon ang bangkay.

Una rito, sinabi ng ina na si Editha Bugaoisan, dalawang araw nilang hinanap ang biktima ngunit hindi nila nakita hanggang sa inalis niya ang takip ng balon at dito na niya nakitang may tao sa loob.

Agad niya itong ipinaalam sa isa pa niyang anak ngunit hindi umano nito agad pinansin dahil may nakapagsabi sa kanya na may nakakitang naglakakad sa tulay ang biktima.

Hindi aniya nito akalain na sa loob ng malalim na balon makikita ang kanyang anak dahil kahapon ay nagpalit pa ng paborito nitong damit bagamat hindi nito nakita.

Nabatid na sa nakalipas na taon ay tinangka na ng biktima na magpakamatay ngunit nakita mismo ng kanyang ina at napigilan ito.