-- Advertisements --

Puspusan pa rin ang isinasagawang paghahanap ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa isang mangingisda na naiulat na nawawala mula pa noong ika-18 ng Nobyembre sa Oriental Mindoro.

Sa isang pahayag, sinabi ng PCG na sila ay nagsasagawa ng aerial at maritime search operation.

Ito ay mula sa Bulalacao hanggang Barangay Semirara sa nasabing lugar upang malocate ang mangingisda na si Ritzie Yap.

Batay sa pamilya, nagpa-alam lamang ito na papalaot ngunit hindi na ito bumalik sa kanilang bahay.

Tumulong na rin sa paghahanap ang pamilya, kamag-anak at mga kaibigan ng nawawalang mangingisda.

Samantala, pansamantala namang itinigil ang search and rescue mission dahil sa masamang lagay ng panahon at tiniyak naman na ipagpapatuloy nila ang operasyon sa oras na bumuti na muli ang kondisyon ng dagat.