Isinalaysay ng nakaligtas na mangingisdang Pilipino na si Robert Mondoñedo na kinaladkad palayo umano ng hindi pa natutukoy na barkong nakabangga sa kanilang bangka ang kaniyang kapatid na si Jose Mondoñedo.
Una na ngang napaulat na nawawala pa rin ang mangingisdang si Jose Mondoñedo matapos mabangga ng dayuhang barko ang kanilang bangka na sanhi ng paglubog nito habang sila ay nasa karagatan ng Subic, Zambales noong Hulyo 3.
Kwento ng mangingisdang si Robert na nakita niya ang kaniyang kapatid na kinakaladkad palayo ng dayuhang barko at matapos ang ilang munito hindi na nito makita pa ang kaniyang kapatid.
Sinabi din niya na hindi na niya mahabol pa ang kaniyang kapatid dahil sa lakas ng alon at sa layo ng pagitan nila.
Una na rin nitong ikwinento na nakayanan niyang maka-survive sa pamamagitan ng paghawak sa kanilang payao sa loob ng 3 araw bago tuluyang nasagip.
Idinaing din ni Robert na ginawa silang baboy at tuwing matutulog umano ito hindi mawala sa kaniyang isip ang sinapit nilang magkapatid.
Samantala, ayon sa Philippine Coast Guard, umaasa pa rin silang mahahanap ng buhay ang nawawalang mangingisdang Pilipino.
Ayon kay Zambales Coast Guard station commander Captain Euphriam Diciano, nagaabiso na sila sa lahat sakaling mamataan ang nawawalang mangingisda.
Narekober naman na ng PCG ang nasirang bangka noong araw ng Martes. Patuloy namang tinutukoy ng PCG ang barkong nakabangga sa Filipino boat.