-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patuloy pa ring pinaghahanap ang pulis na hanggang ngayon ay nawawala matapos na tumaob ang isang motorbanca sa karagatan na sakop ng Sibolo Islan at Liwagao Island sa Caluya, Antique.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay PCpl. Jairus Paloma, imbestigador ng Caluya Municipal Police Station sinabi nito na dalawang motorbanca ang ginagamit para sa sana sa isasagawang relief operations sa Sibolo Island.

Ayon kay Paloma, sakay ng tumaob na bangka ang tatlong pulis at dalawa pang personnel ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ani Paloma, maganda pa ang panahon nang umalis sila sa Caluya subalit bigla na lang lumakas ang alon nang nasa kalagitnaan na sila kung kaya’t hindi na kinaya ng bangka at tumaob ito.

Nakaligtaas naman ang apat pa na sakay ng motorbanca at ngayon ay nagpapagaling na sa ospital.