Binaril umano ng mga sundalo ng North Korea ang isang South Korean official at sinunog pa ang kanyang katawan nitong mga nakalipas na araw.
Ito ay batay sa kumpirmasyon ng South Korean defense ministry, na kinondena rin ang nasabing pangyayari.
Sa pahayag ng ahensya, dapat magpaliwanag ang Pyongyang tungkol sa isyu at nanawagan ito na parusahan din ang mga nasa likod ng insidente.
Noong Lunes nang mawala ang 47-anyos na opisyal na kawani sa Ministry of Oceans and Fisheries habang naka-duty sa isang inspection boat sa karagatang malapit sa isla ng Yeonpyeong.
“North Korea found the man in its waters and committed an act of brutality by shooting at him and burning his body, according to our military’s thorough analysis of diverse intelligence,” saad sa pahayag.
“Our military strongly condemns such a brutal act and strongly urges the North to provide an explanation and punish those responsible,” dagdag nito. “We also sternly warn North Korea that all responsibilities for this incident lie with it.”
Ito ang unang pagkakataon mula noong Hulyo 2008 nang patayin sa North korea ang isang South Korean civilian. (Yonhap)