-- Advertisements --
Tinuturing na “goodwill gesture” ang pagpapalaya ng Israel sa dalawang Syrian nationals kasunod ang pagkakabalik sa mga labi ni Zachary Baumel, isang sundalo na nawawala sa loob ng 35 taon matapos sakupin ng Israel ang Lebanon noong 1982.
Sa inilabas na pahayag ng Israeli military, kinumpirma ng mga ito na inilipat na nila ang dalawang preso sa International Committee ng Red Cross sa Syrian Golan Heights.
Kinilala ang mga pinalayang ito na sina Ahmed Khamis na mula sa isang refugee camp sa Paletine at Zidan Taweel na mula anaman sa Syrian Druze village.
Nakulong si Khamis noong 2005 matapos nitong subukan atakihin ang army base ng Israel. Taong 2008 naman ng makulong si Taweel dahil sa pagpuslit nito ng iligal na droga sa bansa.