Pumanaw na ang singer ng Scottish hard rock group na Nazareth na si Dan McCafferty sa edad 76.
Kinumpirma ito Nazareth bassist Pete Agnew pero hindi na nagbigay pa ng sanhi ng kamatayan nito.
Sa social media ni Agnew na labis itong nalulungkot dahil sa pagpanaw ng kanilang singer.
Isinilang si McCafferty sa Dunfermline kung saan siya ang nasa likod ng mga sikat na kanta ng banda gaya ng “Love Hurts”, “Hair Of the Dog”, “Broken Down Angel” at maraming iba pa.
Nabuo ang banda noong 1968 na original members na sina McCafferty, Agnew, Manny Charlton sa guitar at Darrell Sweet sa drums.
Taong 2014 ng umalis ito sa banda dahil sa nagkasakit siya sa baga o chronic obstructive pulmonary disease.
Nagtuloy siya pagrecord sa studio at noong 2019 ay inilabas niya ang huling solo album niya na Last Testament.