-- Advertisements --
arena thunder MMA

Hindi pa rin inirerekomenda ng ilang eksperto sa Amerika na magkaroon na ng mga fans ang mga NBA arena at iba pa stadiums kahit usap-usapan na ang nalalapit na pagbabakuna sa publiko laban sa COVID-19.

Ayon Dr. Anthony Fauci, ang director ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases, hindi pa rin niya susuportahan na magkaroon ng mga fans sa 2020-2021 NBA season.

Sinabi ni Dr. Fauci, kailangan munang unahin ang pagbabakuna ngayong buwan ng Disyembre hanggang Marso ng susunod na taon.

Pagsapit daw ng buwan ng Abril hanggang Hunyo, inaasahang sa general public na ang vaccination.

Kahit daw sa summer season sa Amerika sa Hulyo ay hindi pa rin normal na siyang inaasahang pagtatapos naman ng NBA season.

Sa Setyembre raw, posibleng unti-unti nang papayagan ang mga fans sa mga National Football League stadiums.