-- Advertisements --

Ginulantang ngayon ng Cleveland Cavaliers ang mundo ng NBA matapos na kunin nila sa pamamagitan ng trade ang Utah Jazz guard na si Donovan Mitchell.

Mapupunta na sa kanila ang three-time All-Star guard kapalit naman ng malaki ring package na kinapapalooban ng mga future draft picks at mga batang players.

Bilang kapalit matapos na pakawalan ng Jazz si Mitchell makukuha naman nila mula sa Cleveland sina Ochai Agbaji, ang No. 14 pick sa 2022 draft; Collin Sexton (via sign-and-trade) at Lauri Markkanen.

Maging ang mga first-round picks ng Cavs sa taong 2025, 2027 at 2029, at mga pick swaps sa 2026 at 2028 ay kanila ring binitawan.

Ang bagong kontrata ni Sexton para sa apat na taon ay nagkakahalaga ng $72 million.

Samatala ang bagong team ni Mitchell, (26-yrs old next week) ay makakasama na niya sa Cavs ang bahagi ng 2022 All-Star team ang 22-anyos na si Darius Garland, at 24-anyos na si Jarrett Allen.

Habang si Mobley naman ay nagtapos bilang second sa botohan ng Rookie of Year voting noon lamang huling season ng NBA.