Hindi pinaporma ng Boston Celtics ang Brooklyn Nets 126-120.
Bumida sa panalo si Jayson Tatum na nagtala ng 54 points habang nagdagdag naman ng 21 points si Jaylen Brown at 14 points, nine assists si Marcus Smart.
Tinambakan naman ng Utah Jazz ang Oklahoma City Thunder 116-103.
Nagtala ng 11-three points si Bojan Bogdanovic sa kabuuang 35 points nito.
Sa simula pa lamang ng laro ay tinambakan na ng Utah ang Thunder kung saan umabot pa ito sa 23 points.
Namayani si Nikola Jokic para tuluyang talunin ng Denver Nuggets ang New Orleans Pelicans 138-130.
Tumipa kasi ng Jokic ng 46 points, 12 rebounds, 11 assists at apat na blocks habang mayroong 18 points si Monte Morris, 11 points si Bones Hyland at 10 points si JaMychal Green.
Nakagawa naman ng season-high 44 points si Khris Middleton para talunin ng Milwaukee Bucks ang Phoenix Suns 132-122.
Ito na ang pang-apat na sunod na panalo ng Bucks.
Nagdagdag naman ng walong rebounds at limang assists ang three-time All-Star.
Nag-contribute naman ng 24 points at siyam na assists si Jrue Holiday habang mayroong 19 points at 13 rebounds si Giannis Antetokounmpo.