-- Advertisements --

Hindi makakapaglaro sa Paris Olympics ang sentro ng Boston Celtics na si Kristaps Porzingis kasunod ng tinamong injury sa kanyang leeg sa nakalipas na NBA Finals 2024.

Noong Game 2 ng NBA Finals ay nagtamo ito ng injury sa paa at kailangan nitong sumailalim sa surgery ngayong buwan.

Batay sa inilabas na statement ng Celtics, imposibleng makapaglaro ang Boston center sa lebel na kinakailangan sa Olympics.

Bagaman nakapaglaro pa ito noong game 5 ng Finals bilang banko, nilimitahan lamang ang minutong inilagi niya sa court upang hindi lalong lumala ang kanyang injury.

Si Porzingis ay bahagi ng Latvia men’s basketball team at naglalaro siya bilang power forward. Ang Latvia ay nakatakdang maglaro sa Olympic Qualifying Tournament laban sa Pilipinas at Georgia.

Noong FIBA Basketball World Cup 2023, hindi rin nakapaglaro si Porzingis sa team Latvia dahil sa dinanas niyang injury sa kanyang talampakan.