-- Advertisements --
image 466

Ramdam umano ni Golden State Warriors at Team USA head coach Steve Kerr ang mainit na pagtanggap at suporta ng mga Pilipino.

Sa ginanap na pulong-balitaan sa Manila, isang araw bago ang opisyal na pagsisimula ng FIBA BAsketball World Cup, sinabi ni Coach Kerr na kapansin-pansin ang suporta ng mga Pilipino sa team USA at ang pagmamahal ng mga Pinoy sa larong basketball.

Saanman ito magtungo aniya, kitang-kita niya ang mga pinoy fans.

Tiniyak din ng Team USA na ipapakita ang magandang laban sa pamamagitan ng mga bagitong player ng team USA.

Ilang linggo aniyang nagkaroon ang mga ito ng pagkakataon upang makapagsanay.

Samantala, tiniyak naman ni New York Knicks at Team USA Guard Jalen Brunson na nakapaghanda ang buong koponan para sa mga nakatakda nilang laban.

Ayon kay Brunson, kada-araw na kanilang pagsasanay ay pinipilit nilang lalo pang mag-improve.

Maraming mga team aniya ang may malawak na kasanayan kayat tiyak na kakailanganin nila ang pagtutulungan ng bawat player upang maipanalo ang mga nakalinyang laban.