Muling ginugol ni dating Lakers bigman at NBA champion Dwight Howard ang kanyang araw sa Pilipinas sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa ilang mga kilalang personalidad sa bansa.
Nitong Huwebes, July 13, ay dumating sa Pilipinas ang batikang NBA player para magbakasyon.
Ilan sa mga una nang ginawa ni Howard ay ang makipagkita kay Senator Christopher Bong Go.
Sa kanyang post sa sariling account, nagbiro pa ang NBA Champion na maglalaro siya sa isang Philippine Basketball Association(PBA) team kung magagawa ng senador na siya ay talunin sa isang 3-point contest.
Tinanong pa ni Howard ang kanyang mga fans kung saang PBA team siya nararapat pumirma.
Maliban kay Sen Go, nakipaglaro rin si Howard ng chess game kay 8 Division World Champion Manny Pacquiao
Makikita sa video na inilabas ni Howard sa na nagsasaya siyang nakikipaglaro kay Pacquiao, sa gitna ng kanilang mga biruan at kantahan
Si Howard ay ilan sa mga regular NBA visitor sa Pilipinas. Sa kasalukuyan ay isa siya sa mga nagmamay-ari ng Mustangs sa ilalim ng T1 League(Taiwan).
Una na rin siyang nangako na babalik na maglaro sa ilalim ng naturang koponan, ngayong July, kasama ang kapwa dating-NBA player na sina DeMarcus Cousins at Quinn Cook.