Sumailalim na sa surgery si NBA Champion Kyrie Irving matapos siyang dumanas ng panibagong injury habang nag e-ensayo.
Ayon sa Dallas Mavericks, agad na isinailalim sa surgery ang kamay ni Irving at ngayon ay patuloy na siyang nagpapagaling mula sa operasyon.
Hindi naman naglalabas ng dagdag na detalye ang naturang team ukol sa kung gaano ka-seryoso ang naturang injury.
Maalalang kagagaling lang ni Irving sa championship run kasama si Dallas superstar Luka Doncic ngunit tuluyan ding natalo mula sa Boston Celtics, 4-1.
Sa nakalipas na season, ang 32 anyos na si Irving ay kumada ng 25.6 points per game, habang dumaranas ng iba’t ibang mga injuries sa kanyang paa, talampakan, at daliri.
Samantala, magsisimula naman ang training camp ng mga NBA team sa loob ng dalawa at kalahating buwan, bilang preparasyon sa pagbubukas ng panibagong season ng NBA.
Kasunod ng pagkatalo ng Mavs sa Finals, kinuha nila si Warriors legend Klay Thompson na pupuno sa opensa nito.
Si Thompson ang bahagi ng sikat na Splash Brothers sa Warriors na naging daan upang kumamada ang koponan ng apat na championship ring sa loob lamang ng halos isang dekada.